Home Headlines 2nd tranche ng SAP natanggap na ng 1.2-M pamilya

2nd tranche ng SAP natanggap na ng 1.2-M pamilya

950
0
SHARE

Ipinapakita ng isang benepisyaryo ang natanggap mula sa SAP. Kuha ng DSWD-3



LUNGSOD NG SAN FERNANDO
— May kabuuang 1,219,777 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon na hindi kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Programang natanggap na ang second tranche ng kanilang ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program-Social Amelioration Program o ESP-SAP ng Department of Social Welfare and Development.  

Ayon kay DSWD regional director Marites Maristela, ang mga tumanggap ay dumaan sa masusing balidasyon bago pinagkalooban ng panibagong tulong alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.

Una na riyan ang pagsusumite ng mga lokal na pamahalaan ng encoded at uploaded na social amelioration card forms ng mga paid beneficiaries ng first tranche sa DSWD Region III.

Matapos nito ay nagsagawa ng validation at deduplication ang DSWD Region III upang matiyak ang eligibility ng mga benepisyaryo.

Ang validated list mula sa Region III ay isinailalim muli sa inter-regional deduplication sa lebel ng DSWD Central Office. Nai-cross match din ito sa datos ng ipa pang ahensya na nagkakaloob ng SAP gaya ng Department of Finance-Social Security System at Department of Labor and Employment.

At panghuli, ang final list ay ginawan ng payroll at ipinamahagi na ang ayuda sa kanila sa pamamagitan ng digital payments at direct payout para sa mga nasa malalayong lugar.

Hanggang Agosto 10, kabuuang 1,215,446 ang natanggap ang kanilang second tranche sa pamamagitan ng digital payment habang 4,331 naman ang sa pamamagitan ng direct payout. Nagkakahalaga pa rin ito ng P6,500 na ibinase sa minimum wage ng rehiyon.

Ang pagkabahagin ng mga tumanggap: 78,954 sa Bataan; 322,795 sa Bulacan; 321,645 sa Nueva Ecija; 249,311 sa Pampanga; 173,404 sa Tarlac; at 73,668 sa Zambales.  — Carlo Lorenzo J. Datu/PIA 3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here