Home Headlines 2,000 baboy patay, hog raisers dudang ASF ang sanhi

2,000 baboy patay, hog raisers dudang ASF ang sanhi

1335
0
SHARE

Duda ang mga hog raisers na ASF ang pumeste sa kanilang mga baboy. Kuha ni Rommel Ramos



SAN RAFAEL,
Bulacan — Nasa 2,000 alagang baboy sa Barangay Coral ang nangamatay nitong nakaraang dalawang linggo dahil sa African swine fever.

Ngunit ayon sa mga hog raisers hindi ASF at ibang uri ng sakit ang pumeste sa kanilang mga baboy.

Paliwanag ni San Rafael agricultural technologist Rainier Joson, sakit na ASF ang tumama sa mga baboy doon gayong wala pang nadidiskubreng gamot o bakuna para dito.

Aniya, dapat ay wala munang mag-alaga ng mga baboy sa loob ng tatlong taon dahil ang virus na ASF ay kakapit pa sa mga ito.

Kung ibang sakit naman, aniya, ang pumapatay sa mga baboy doon gaya ng pneumonia at hog cholera ay mayroon namang gamot para dito.

Dahil dito ay magbibigay sila ng disinfectant at injectable multi-vitamins sa mga baboy at pinayuhan ang mga hog raisers na mag-alaga muna ng ibang hayop sa halip na baboy gaya ng manok, baka, at rabbit na maari din namang pagkakitaan.

Samantala, ayon naman sa hog raiser na si Rolando De Guzman, hindi ASF ang pumeste sa kanilang mga baboy dahil hindi nila ito nakitaan ng mga sintomas ng ASF gaya ng pagkukulay violet ng balat ng baboy, pagdurugo ng ilong at bibig.

Sinabi din niyang hindi sila tinamaan sa kasagsagan ng ASF at wala silang ideya kung anong uri ng peste ang dumapo sa kanilang babuyan ngayon.

Kasunod nito ay nanawagan sila ng tulong sa gobyerno para kahit paano ay makabawi sa kanilang mga nalugi sa pagkamatay ng kanilang mga baboy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here