2 dumptruck nagbanggaan, 3 sugatan

    410
    0
    SHARE

    LIMAY, Bataan– Isang dumptruck na kargado  ng uling ang tumagilid matapos bumangga sa kasalubong na isa ring  dumptruck malapit sa hindi pa natatapos na tulay  sa Barangay Alangan dito Miyerkules ng umaga. 

    Humaba ang  traffic sa isang linya ng Roman  Superhighway dahil bumalabag ang dalawang  sasakyan sa pabulusok  na bahagi n alsada.

    Tumapon ang kargang  uling ng tumagilid  na dumptruck na papunta sa direksiyon ng  Balanga City. Ang sasakyang  kasalubong na  bagama’t nakatayo ay wasak naman ang windshield  at yupi-yupi ang  unahang bahagi.   

    Ayon kay Michelle Dizon, kasapi ng Limay  Rescue Team, tatlo ang sugatan na agad isinugod  sa Bataan General   Hospital sa Balanga City. 

    Medyo natagalang mahugot ang driver sa  pagkakaipit sa manibela  ng nakatayong dumptruck. “Sa tulong ng Bureau of Fire ng Limay,  natanggal po namin  sa pagkakaipit ang driver.

    Mga minor injuries lamang ang natamo ng  mga biktima,” sabi ng  rescue worker. Patuloy pa ang imbestigasyon  ng pulisya  ng Limay sa   kung ano ang talagang dahilan ng banggaan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here