Home Headlines 2.5-M semilya ng blue swimming crabs, pinakawalan sa Bancal River

2.5-M semilya ng blue swimming crabs, pinakawalan sa Bancal River

635
0
SHARE

May 2.5 milyong semilya ng blue swimming crabs ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bancal River sa Botolan, Zambales upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang mga mangingisda. (BFAR)


 

BOTOLAN, Zambales — May 2.5 milyong semilya ng blue swimming crabs ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Bancal River sa Botolan upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang mga mangingisda.

Target ng ahensya na maka-ani ang mga mangingisda ng hindi bababa sa 35 tonelada ng naturang uri ng alimango makalipas ang anim na buwan.

Ayon kay Botolan Municipal Agriculturist Ramon Dolojan, halos 2,000 mangingisda ang inaasahang makikinabang sa hanapbuhay na maaaring ihatid ng mga pinakawalang blue swimming crabs sakaling ma-ani na ang mga ito ngayong Marso 2022.

Positibo naman si BFAR Regional Director Wilfredo Cruz na malaki ang tsansa na mabuhay at makapag parami ang ganitong uri ng alimango sa katubigan ng Botolan dahil hitik ang kanilang coastal waters sa malulusog na bakawang maaaring pamugaran ng mga ito.

Sa isang pahayagi, sinabi ni Mayor Doris Maniquis na batid niyang malaki ang maitutulong nito sa kanilang bayan lalo na’t pangisdaan ang pangunahing pinagkakakitaan ng karamihan sa kanyang mga nasasakupan.

Kabilang ang Botolan sa 11 coastal municipalities ng Zambales na nakakapagbigay ng malaking kontribusyon sa mga fresh water commodity na naa-ani sa buong lalawigan.

Sa katunayan, 34 milyong bangus fry ang na-prodyus ng bayan base sa tala ng BFAR nitong Hunyo 2021. (CLJD-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here