Home Headlines 1,964 food stall, sari-sari store owner sa Bulacan, tumanggap ng tulong sa...

1,964 food stall, sari-sari store owner sa Bulacan, tumanggap ng tulong sa DTI

619
0
SHARE

LUNGSOD NG MEYCAUAYAN (PIA) – Nasa 1,964 food stall at sari-sari store owner sa Bulacan ang tumanggap ng mga paninda at gamit mula sa Department of Trade and Industry o DTI ngayong 2022.

Nagkakahalaga ng 10 libong piso ang bawat package na ipinagkaloob sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG ng ahensya.

Ayon kay DTI Provincial Director Edna Dizon, isa itong livelihood assistance na binuo upang agapayang makabangon ang mga may maliliit na restaurant at tindahan sa mga kanayunan na naapektuhan ng pandemya.

Nasa 1,964 food stall at sari-sari store owner sa Bulacan ang tumanggap ng mga paninda at gamit mula sa Department of Trade and Industry ngayong 2022. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Sa loob ng bilang na ito, pinakabagong benepisyaryo ang 187 na pormal na tinanggap ang kani-kanilang livelihood package sa ginanap na awarding ceremony sa Lokal ng Anjene ng Members Church of God International o MCGI sa lungsod ng Meycauayan.

Nakatuwang ng DTI ang MCGI sa pagtukoy ng ilan sa mga benepisyaryo.

Pinagkalooban din sila ng libreng almusal at pananghalian habang may iba naman na benepisyaryo na inihatid na maiuwi ang mga natanggap na paninda at gamit.

Bukod sa PPG, ayon pa kay Dizon, nakapagrehistro ang DTI Bulacan ng 579 na mga Barangay Micro Business Enterprises o BMBE noong 2021 at 540 ngayon taon habang may karagdagang 70 pa ang nabigyan ng panimulang puhunan sa ilalim naman ng Negosyo Serbisyo sa Barangay Program.

Patunay aniya ito na tuluy-tuloy ang economic recovery na nararamdaman hanggang sa mga kanayunan dahil sa pagdami ng mga BMBE at muling pagbangon ng mga dati nang negosyong maliliit. (CLJD/SFV-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here