171 PAMILYA INILIKAS SA EVACUATION CENTER
    5 mangingisda nawawala

    499
    0
    SHARE
    IBA, Zambales – Limang mga mangingisda ang nawawala sa bayan ng Sta Cruz, Zambales, samantalang 171 pamilya naman ang inilikas sa evacuation center ng mawasak ang kanilang bahay sa Barangay Bangan, Botolan sa pananalasa ng bagyong Ondoy.

    Ang mga nawawalang mangingisda ay nakilalang sina David Maceda, Darmie Amindain, Marvin Amindain, Ronnie Maca at Anthony Miraflor, pawang mga residente  ng Barangay Lipay, Sta Cruz, Zambales.

    Nabatid sa ulat na pumalaot noong Sept. 3 ang mga biktima para mangisda subalit hindi na ito nakabalik pa at hinihinalang sa kanilang pag-uwi ay nakasalubong nila ang hagupit ng bagyong Ondoy.

    Sa ulat ng Zambales Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC), 171 na pamilya na naninirahan sa baybayin ng Barangay Bangan, Botolan, Zambales ang inilikas sa covered court na ginawang pansamantalang evacuation center ng mawasak ang may 44 na kabahayan ng hagupitin ito ng malakas na ihip ng hangin at malakas na buhos ng ulan dala ng bagyong Ondoy habang nananalasa ito sa Zambales.

    Kaagad namang nagsagawa ng relief operation ang PDCC at Local Government Unit (LGU) ng Botolan para bigyan ng tulong ang mga apektadong mga residente sa kalamidad.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here