16 huli sa serye ng anti-drug ops

    366
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Arestado ang isang drug pusher at pitong iba pa sa isinagawang drug operation ng Subic PNP sa Barangay Calapacuan sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic police, ang suspek na si Said Abdurasid, 23, residente ng Pomera St., Barangay Calapacuan. Ang suspek ay huli makaraang magbenta ng sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500.

    Nagtamo din ng tama ng bala ang suspek sa kanang tuhod nang ang isa sa di pa mabatid na suspek ang nagpaputok ng baril para itaboy ang raiding team. Huli din na nagpo-pot session sina Chris Labandelo, 41, Diosdado Camullo, 50, Michael Angelo, at Neolito Sumeli, 34, pawang mga taga Subic; Robert Gatdula, 31,s ng Barangay New Cabalan; Jimmy Galit, 35, ng Manggahan St., at Lourdes de Leon, 39 ng Abra St., pawang sa Barangay Barreto, Olongapo City.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, marked money, at ibat-ibang drug paraphernalia. Naunang nasakote ang mga suspek sa Barangay Pamatawan ang mga suspek na sina Jonathan Layda, 29, ng Barangay Mangan-Vaca at Shasta Blanco, 22, ng Barangay Asinan Poblacion pawang sa bayan ng Subic; at Christian Rapacon, 30, ng Barangay San Pablo, Castillejos, Zambales habang nasa aktong nagbebenta ng shabu sa kanilang mga parukyano.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang transparent plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000. Sa Barangay Matain, huli naman sina Marvin Moises, 38, ng Barangay Sta Rita, Olongapo City at Erwin Pangilinan, 23, ng Manggahan, Subic, Zambales na nagbebenta ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500 at nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang tatlong transparent plastic sachet ng shabu.

    Huli din ang mga suspek na sina John Carlo Custodio, 23, ng Barangay Matain, Kevin de Vera, 21, ng Barangay Camachili at Analiza Manangan, 21, ng Barangay Calapandayan, habang nasa aktong nag-po-pot session at nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang ibat-ibang drug paraphernalia at sachet ng shabu.

    Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention center at ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here