Home Headlines 1,400 pulis CL handang tumulong sa Taal opns

1,400 pulis CL handang tumulong sa Taal opns

490
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Nakahanda ang Central Luzon police na magpadala ng may 1,400 na pulis upang tumulong sa rehabilitasyon at paglilinis sa mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ito ang ipinahayag ni Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office 3 director, matapos ang presentasyon ng Nueva Ecija police provincial office ng daan-daang armas na nakumpiska, mga suspek na naaresto, at mga rebeldeng sumuko sa ilalim ng simultaneous anti-criminality law enforcement operations (SACLEO) sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora.

Ayon kay Sermonia, inihanda ang mga pulis para tumulong sa evacuation o relief operations kung kailangan.

Pero dahil gumaganda na aniya ang kondisyon sa Tagaytay o Batangas na apektado ng Taal, ay tutulong na lamang sila kahit sa paglilinis.

Samantala, pinuri ni Sermonia ang Nueva Ecija at Aurora PNP sa matagumpay na SACLEO.

Inatasan niya ang mga pulis na pag-ibayuhin ang pakikipag- ugnayan sa lahat ng stakeholders, lalo na sa mga lokal na pamahalaan para sa tagumpay ng kanilang programa.

“Commendable talaga ang kanilang accomplishment,” sabi ni Sermonia. Nagpahayag sioya ng pag-asa na hindi na magtatagal at matatapos na ang problema sa droga at mga rebelde sa rehiyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here