LUNGSOD NG MALOLOS — Labindalawang kabataang lalaki ang isinugod sa ibat-ibang pagamutan sa Bulacan matapos mabiktima ng food poisoning dahil sa pagkain ng tuba-tuba nitong Linggo.
Ang 12 biktima ay pawang nasa edad 9 hanggang 10 gulang mula sa Baranggay Matimbo dito. Sila ay isinugod sa pagamutan matapos sabay-sabay na makaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, tuloy-tuloy na pagdudumi at hirap sa paghinga.
Walo sa mga ito ang isinugod sa Bulacan Medical Center habang angapat ay isinugod naman sa ibat-iba pang pagamutan. yon kay Julita De Guzman, ina ng isa sa batang nabiktima, galing sa isang resort ang mga kabataang ito at nagsipaligo nang madaanan ang puno ng tuba-tuba sa isang bakanteng lote.
Nakatuwaan daw ng mga ito na magsikain ng bunga ng naturang puno hanggang sabay-sabay na samaan ng pakiramdam kayat agad na nilang isinugod sa mga pagamutan. Nasa ligtas naman na kalagayan ang mga nabiktima ngunit sila ay iko-confine sa pagamutan ng hanggang apat na araw upang obserbahan at paglalapat ng karampatang lunas.