Home Headlines Zero illiteracy rate, target ng Olongapo

Zero illiteracy rate, target ng Olongapo

682
0
SHARE
Inilahad ni Mayor Rolen Paulino Jr. na target ng pamahalaang lungsod ng Olongapo na makamit ang zero illiteracy rate sa larangan ng edukasyon. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

LUNGSOD NG OLONGAPO (PIA) — Target ng pamahalaang lungsod ng Olongapo na makamit ang zero illiteracy rate sa larangan ng edukasyon.

Ibig sabihin, hangad nito na 100 porsyento ng mga nasasakupang kabataan ay marunong magbasa.

Paglilinaw ni Mayor Rolen Paulino Jr. na bagamat mataas ang bilang ng mga marunong bumasa’t sumulat sa lungsod ay nais pa niya itong mapataas pa.

Kaugnay nito, gagawing bahay-bahay o bara-barangay ang pagtuturo sa mga kabataan na bumasa sa tulong ng mga Education student ng city college.

Maliban pa rito, ibinahagi rin ni Paulino na hangad niya na maging marunong ang mga kabataan ng Olongapo pagdating sa robotics sa tulong Department of Science and Technology.

Samantala, patuloy naman ang programang pagbibigay ng libreng laptop sa mga kaguruan sa mga pampublikong paaralan.

Aniya, kahit na face-to-face na ang klase ay magagamit pa rin ito ng mga guro sa kanilang pagtuturo at paghahanda ng lesson plan. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here