Ganun na ba talaga katindi ang hangarin ng mga politikong kasalukuyang may hawak ng poder sa siyudad Angeles na makapanaig sa mga kalaban sa pulitika kung kayat kahit na sa mga araw ng pagdiriwang ng kapaskuhan ay patuloy sila sa walang pakundangang pagamit ng black propaganda at kasinungalingan para siraan at ibagsak ang kanilang mga kalaban?
Nitong mga nakaraang araw ng kapaskuhan, may naglabasang black propaganda sa internet at ibang babasahin laban sa inyong lingkod. Mga black propaganda items na dati nang ginamit nuong mga nakaraang eleksyon at napatunayan na pawang mga kabulaanan lamang maging ng NBI na nagimbistiga. Pero ngayon ay muling ginagamit na kasangkapan ng paninira.
Kung sa bagay, naramdaman ko nung una pa na magba-black propaganda ang kabilang panig pagkat yan ang dati nilang gawi. Kaya lang nagbakasakali din ako na maaaring makapaghunos-dili sila at ang kampo nila pagkat talaga namang lisyang-lisya ang pagamit ng black propaganda at wala itong hustipikasyon sa legalidad o moralidad man, o sa pagiging mabuting tao.
At bilang paalaala nga sa mga taong mahilig gumamit ng black propaganda ay sumulat ako ng ilang artikulo tungkol dito sa aking AGYU TAMU! ATBP. kolum, dala ng pag-asa na sana naman ay makonsensya ang mga taong mapag-gamit ng maruruming pamamaraan ng pamumulitika—na tumigil sa pagamit ng black propaganda, sa pagamit ng kabulaanan, kasinungalingan, panloloko o panlilinlang.
Kung maaala-ala, binanggit ko na ang black propaganda ay ginagawa sa iba’t-ibang pamamaraan:
(1) Black propaganda na DIREKTANG TINUTUKOY kung saan galing o sino ang gumagamit ng bulaang impormasyon (na kunwari ay mula sa source na direktang tinutukoy) pero ang totoo ito ay galing o gawa mismo ng kampo na naglabas ng kabulaanan o pinanggalingan ng kasinungalian.
(2) Black propaganda na HINDI DIREKTANG TINUTUKOY ANG SOURCE ng kabulaanan.
Sa unang tingin mahina ang kamandag na dala nito pero sa totoo mas mabagsik at mapanganib ang kamandag nito pagkat pailalim ang lihim na kagat ng ahas na ginagamit sa pamamaraang ito. Ang epekto ng lason ay dahan-dahan kung kumalat at mararamdaman lang pag malala na. Ang mapanlinlang na propagandista ay karaniwang gumagamit ng taong mukhang katiwa-tiwala na nagpapanggap na kaibigan o kasamahan ng target victim (pero ang totoo kasangkapan siya o kaalyado ng taong nanlilinlang) at kunwari ay tumutulong o ibig makatulong sa binibiktima samantalang ang tunay na layon ay makapanira.
(3) Black propaganda na GANAP NA TINUTUKOY ang source ng impormasyon na sa unang pagbasa o pagdinig ay mukhang “accurate” o totoo, pero pag sinuri ay “slanted” or “distorted” ang impormasyon o may anggulo na nakasisira o ikapapahiya ng target victim.
Alinman sa tatlong pormang ito ng black propaganda o anumang kombinasyon nito ay may iisang layunin: ang siraan, ipahiya, o wasakin ang kalaban, o ang sinumang tumatayong hadlang o balakid.
Ngayonpaman ay gumagamit na sila ng mga kombinasyon ng tatlong pamamaraang nabanggit. Nakakalungkot na makita ang patuloy na pag-iral ng black propaganda sa gitna ng matinding pagnanasa ng bayan na magkaroon ng malinis na halalan. Wala na yatang natitirang respeto sa bayan ang mga pulikong ito at ang kanilang mga galamay na lagi na lamang nagsasabog ng kasinungalingan at kabulaanan. Wari ko, di sila mapipigil sa pagamit ng maruming pamamaraan ng pulitika, laluna ngayon kasi masyado na silang dehado at desperado.
Yung dalawang huling survey na sila mismo ang nag-conduct, lumabas na talong-talo sila, KULELAT! Naungusan pa nga sila nung isa ring kandidato para mayor. Sa kanilang sariling survey, nangunguna ako, malaki ang agwat ko.
Kaya, ayan, dala ng kadesperadohan, kapit sa patalim na namamag-asa na baka umepekto ang black propaganda na isinasabog nila.
Pero meron akong balita sa kanila. Here, listen:
We know you. The people know you now. Although in the past elections you succeeded in your despicable campaign of black propaganda and lies against your political enemies, that was only because the people did not know you then. But the people know you now—and your nature, and your ways, and your instruments of destruction, and the people you use. It may shock you to know that you cannot fool all the people all the time.
Until here, dear readers, see you again next week. Mabuhay! Agyu tamu ine, abe!