Xian Lim falls out of love with Kim Chiu

    3994
    0
    SHARE

    SA LAUNCH ng isang product endorsement ni Xian Lim, inamin niyang he is single and ready to mingle.

    Isang direktang pagpapahayag ito na wala talaga silang kaugnayan ni Kim Chiu. Nangangahulugan ba ito na hindi niya talaga type ang tsinitang aktres? Well, sabi nga ng iba, baka raw ang dahilan ay mukhang hindi na raw ito tulad noong unang napanood sa TV.

    Mistulang iba na raw ang itsura ngayon ng Kapamilya talent. Ilang taon na kasing usap-usapan sa showbiz ang diumano’y pagpaparetoke nito. May kahirapan lang daw itong mapansin dati dahil paunti-unti lang ang ginagawang pagpapa-ayos ng dalaga.

    Pero ngayon ay halos nagsusumigaw na raw ang mga pagbabago kay Kim. May nagsabing isa siya sa mga itinuturing na “thank you, doc beauties.”

    Well, hindi na naman bago ito. Marami na ring artista in the past ang sumailalim sa siyensiya. Kaya lang, nagbibiruan ang ilan naming kasamahan sa panulat na minsan nga raw ay kailangan pa nilang siguraduhin kung si Kim na nga ba ang makakasalubong nila o hindi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here