Willie Revillame anniversary show sa Smart Araneta sinasabotahe?

    352
    0
    SHARE

    Nag-report na nung Sabado, October 15, bilang bagong co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Big Time.

    Damang-dama ang excitement na rin ang buong staff ng WTBT dahil halos lahat sila, nakatrabaho rin ni Mariel sa kabilang istasyon. Super-excited rin ang misis ni Robin Padilla dahil muli niyang nakasama na kanyang kuya Willie.

    Alam ni Mariel na may gap ang kontrobersiyal TV host sa Kapamilya Network, pero say ni Mariel, trabaho lang at walang personalan.

    Bongga rin ang pag-welcome na ginawa ng buong staff kay Mariel, na may bago na ring manager na walang iba kungdi Business Unit head ng WTBT na si Jay Montelibano.

    Na-touch din si Mariel dahil may one week plugging pa ang TV5 kung sino ang magiging bagong lady co-host ni Willie.

    Timing din ang pagpasok ni Mariel sa WTBT dahil sa October 22, first anniversary ng show na gaganapin sa Smart-Araneta, Cubao, QC.

    Mamumudmod na naman ng papremyo si Willie — P5 million cash, 5 kotse at 5 house-and-lot courtesy of Sen. Manny Villar.

    Sa mga gustong manood ng anniversary ng WTBT tutok lang sa show, 6:30-8:30 pm, para malaman kung paanong makakuha ng tiket.

    And speaking of pagkuha ng tiket para sa anniversary show, exaggerated yung dami ng tao na talagang dumagsa sa Amoranto Stadium sa Roces Avenue.

    Kaya lang mas exaggerated yung mga tsismaks na may na namatay daw, especially nga, mismong yung network na detractor ni Willie ang pinanggalingan ng maling tsismis. Hitsura talaga na na-insecure na naman sila dahil nga heto at nakaisang taon na si Willie Revillame.

    Mano ngang mag-move on na sila at tanggaping kaya naman talaga ni Willie kahit wala na sila.

    Sila naman kasi, di nila makaya nang wala si Willy, dahil ayan kahit na tambak na yung mga hosts nilang sikat sa kanilang noontime show, wala pa rin silang rating.

    Hahaha!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here