Kung merong pinaka-weird na love story sa showbiz, ‘yun ay ang kina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Ayon kay Oyo Boy, he and Kristine are in good terms at talagang sila na. Na very special friends nga sila at puwede na itong tawaging love affair nila.
Sabi ni Oyo Boy, he loves Kristine at alam ito ni babae, pati na ng pamilya ni Oyo Boy. But still, Oyo Boy maintains na wala silang commitment sa isa’t isa.
Ano ‘yun, parehong in love pero walang commitment?
“She is the girl of my dreams, nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko,” sabi pa ni Oyo Boy. Pero ayaw daw niyang meron silang commitment na dalawa.
“Ako, I am free na magkaroon ng ibang babae aside from her, siya naman puwedeng makipag-boyfriend sa iba, wala kaming pakialamang dalawa,” sabi pa ni Oyo Boy.
Sobrang weird, hindi po ba?
May dialogue pa si Oyo Boy, na malakas ang influence sa kanya ni Kristine and that they jibe well. Compatible raw silang dalawa at very ideal ‘yung pagiging friends nila. “Ako, homebuddy, sa bahay lang ako, nakikinig ng music, kumakain, at ‘yung mga pambahay na activities lang. Minsan, darating ‘yan at magyayaya, kakain kami sa labas, tapos mamamasyal. Siya ‘yung nagsasabi sa akin na dapat ganyan, dapat ganito. Siya’ng nagyaya sa akin na ma-enroll kami sa UP. Nag-exams kaming dalawa, pumasa ako dun,” kuwento pa ni Oyo Boy.
Pero ayan nga, while they both say na okay sila’t hindi na nagde-deny sa affair nila. Paano ‘yung sinasabing wala silang commitment sa isa’t isa?
Magulo talaga, hindi po ba?