Home Headlines VP Sara namigay pamasko sa kabataang Tarlaqueño

VP Sara namigay pamasko sa kabataang Tarlaqueño

545
0
SHARE
Si VP Sara Duterte kasama si Isa-Cojuangco-Suntay co-founder ng Tarlac Heritage Foundation habang nagkukwento ng pamasko sa mga piling elementary students ng Capas. Contributed photo

LUNGSOD NG TARLAC — Maagang nakiselebra ng Pasko si Vice President Sara Duterte sa mga kabataang Tarlaqueño nitong Miyerkules.

Sa pagdalaw ni Duterte sa mga belen ng Armor Division Camp O’Donnell sa bayan ng Capas, at AFP belen sa Camp Servillano Aquino sa lungsod na ito, ay namigay din siya ng mga regalo kasama ang Tarlac Heritage Foundation para sa 110 elementary students mula sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan.

Sa Campo O’Donnel ay inalayan ni Duterte ng kwento ang mga chikiting ng “Legend of Candy Cane” na aniya ay pagpapa-alala sa mga kabataan kapag Kapaskuhan ng sakripisyo ng Panginoong Hesukristo.

Hinandugan naman si Duterte ng himig pamasko at native dance ng mga local Tarlaqueño artists. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here