Home Headlines VP Sara, dumalo sa pagbubukas ng Minasa Festival 2023

VP Sara, dumalo sa pagbubukas ng Minasa Festival 2023

455
0
SHARE

BUSTOS, Bulacan (PIA) — Dumalo si Bise Presidente Sara Duterte sa pagbubukas ng Minasa Festival 2023 na kasabay sa pagdiriwang ng Ika-106 Taong Pagkakatatag ng bayan ng Bustos sa Bulacan.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Duterte ang kahalagahan na mayakap ng mga gumagawa ng Minasa sa Bustos ang pagkakaroon ng inobasyon at makabagong paggawa nito.

Ito aniya ang magbubukas ng pinto para makarating sa mas malaking merkado.

Dumalo si Bise Presidente Sara Duterte sa pagbubukas ng Minasa Festival 2023 na kasabay sa pagdiriwang ng Ika-106 Taong Pagkakatatag ng bayan ng Bustos sa Bulacan. (VP Sara Duterte)

Kinilala rin ng Pangalawang Pangulo na ang Minasa ay isang Pamanang Kaluto ng Bustos na nagbigay ng malaking ambag sa pagkakakilanlan, yaman at dangal ng Bulacan sa kabuuan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Mayor Francis Albert Juan, nasa 10 Bustusenyo ang aktibong gumagawa nito.

Hangad aniya ng pamahalaang bayan na madagdagan pa ito upang makatulong sa paglikha pa ng mga trabaho sa mga kanayunan.

Sinabi naman ni Department of Trade and Industry o DTI Provincial Director Edna Dizon na nasa proseso ngayon ng pag-iimbentaryo ang ahensya kung ilang mga indibidwal ang nagtatrabaho sa naturang industriya.

Isa ito sa tinukoy na prayoridad ng DTI na mas lalo pang mapalawak ang merkado sa pamamagitan ng pagtataas ng antas at pagpaparami ng produksyon.

Dumalo rin sa naturang okasyon si Senador Imee Marcos kung saan hinikayat niya ang mga may-ari at gumagawa ng Minasa na higit na magkaisa upang lalong mapalakas ang industriya sa pamamagitan ng pagbubuo ng kooperatiba.

Tiniyak ng senador na magbibigay ng panimulang puhunan at anumang tulong teknikal ang kanyang tanggapan sa tulong ng Cooperative Development Authority, upang makapagtatag ng kooperatiba.

Para sa senador, ang pagbubuo ng kooperatiba para sa pag-aangat ng antas ng kalidad nito ay makakatulong upang magtuluy-tuloy ang mataas na ani ng palay at kamote pagkat ito ay mga pangunahing sangkap ng Minasa bukod sa Itlog at harina. (CLJD/SFV-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here