Vice Ganda nasuka

    275
    0
    SHARE
    pagkatapos halikan si Karylle Nagbiro si Vice Ganda kahapon sa It’s Showtime tungkol sa paghalik niya kay Karylle sa kick-off anniversary celebration ng show nila held last Saturday sa Smart Araneta Coliseum.

    Joke ni Vice, pagkatapos daw ng number nila ni Karylle ay sabay daw silang sumuka sa dressing room.

    Say pa ng TV host/comedian, sinabihan daw niya si Yael Yuzon (asawa ni Karylle) na dalhin silang dalawa sa hospital dahil nalason daw sila.

    Nakakatuwang may hang-over pa ang lahat ng hosts sa success ng anniversary celebration nila. In the end ay nagpasalamat sila sa kanilang televiewers sa walang sawang pagsuporta sa kanila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here