Vendor arestado sa double murder

    295
    0
    SHARE

    Lungsod ng MALOLOS—Naghihimas ngayon ng malamig na rehas ang isang fish vendor matapos maaresto sa pagpatay sa iang barangay tanod at orthopedic patient, at pagkasugat ng anak ng huli sa bayan ng Marilao, kamakailan.

    Ang suspek ay kinilala ni Chief Inspector Gerardo Andaya, hepe ng pulisya sa bayan ng Marilao na si Guilbert Capinig, isang fish vendor sa NorthVille 4 public market sa Barangay Lambakin, Marilao.

    Si Capinid ay naaresto sa kanyang bahay sa NorthVille 4 resettlement village halos 10 oras matapos niyang mapatay sa saksak ang barangay tanod na si Emiliano Plamenco at si Jose Thelmo Macalisan, isang pasyente na kalalabas lamang sa Philippine Orthopedic Hospital.

    Nasugatan naman ang 23-anyos na anak ni Macalisan na si Monabel matapos pasukin ng suspek ang bahay ng mga ito.

    Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay nagsimula bandang alas-2 ng madaling araw kamakailan habang nagpapatrulya sa NorthVille 4 public market si Plamenco.

    Ayon kay Eduardo Gabriel, kapitan ng Barangay Lambakin, bigla na lamang inatake at pinagsasaksak ni Capinig si Plamenco.

    Matapos mapatay ang tanod ay agad na tumakas ang suspek at pinasok ang bahay ni Macalisan.

    Tinangka ni Monabel na pigilan ang pagpaslang sa kanyang ama, ngunit siya man ay sinaksak ni Capinig.

    Nadakip ng pulisya si Capinig sa kanyang bahay sa Northville 4.

    Sa maikling panayam, inamin niya ang pagpatay sa mga biktima at sinabing gumanti lamang siya sa mga ito,
    Ayon kay Capinig madalas siyang pinagdidiskitahan ng dalawa at pinagsusuntok kaya’t gumanti siya.

    Sa kasalakuyan ay nakapiit si Capinig sa Marilao Municipal Jail at nahaharap sa mga kasong double at attempted murder. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here