OLONGAPO CITY — Narekober ng mga tauhan ng Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT) ang isang na-carnap na L-300 van matapos itong iwanan sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.
Sa ulat ni Senior Inspector Isabelo Ganao, ZPHPT provincial officer, ang L-300 van na may plakang CMT-276 ay pagmamay-ari ni Edwin Balanay Sr., ng West Poblacion, Palauig, Zambales.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Marlon Agno, napagalaman na ang nasabing van ay nakaparada sa Rizal Avenue, Barangay Asinan malapit sa James Gordon Memorial Hospital nang tangayin ito ng mga carnapper.
Sa isinagawang follow up operation ng ZHPT 304 Mobile Patrol na pinamunuan ni SPO1 Dominic Dioquino, narekober ang van na inabandona na nakaparada sa National Highway sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales