OLONGAPO CITY – Nakaratay ngayon sa pagamutan ang treasurer ng barangay, matapos itong barilin ng kapatid ng barangay chairman ng New Kalalake sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si John Dini, 40, residenteng ng nabanggit na barangay. Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa tiyan mula sa isang di pa mabatid na kalibre ng baril. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtalo umano ang biktima at ang suspek na si Sherwin Sionzon sa di pa mabatid na dahilan na humantong sa pamamaril.
Ang suspek ay kapatid ni Barangay Chairman Randy Sionzon na siya ngayong pinaghahanap ng pulisya makaraan umano itong tumakas matapos ang insidente. Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang pinagtalunan ng biktima at suspek.