Indian, patay sa banggaan

    595
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang Indian national makaraang suyurin ng sumusunod na tanker truck ang kanyang sinasakyang kotse at saka pa bumangga sa isang bus sa Sitio Jolo, Barangay Calapacuan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic Police, ang biktimang si Harjinder Singh, 38, residente ng Barangay Natividad, San Narciso, Zambales.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng preno ang tanker truck na may plakang RJC-522 na minananeho ni Orly Penafl or, 32, ng Mapalad, Real, Quezon kung kaya nito nabundol ang kotse ng biktima. Dahil lakas ng pagkakabundol, ang kotse ay sumalpok din sa sinusundan nitong Victory Liner bus body number 8052 na minamaneho ni Mario Balangon ng Iba, Zambales.

    Ang driver na si Penafl or ay kaagad na sumuko sa Subic PNP at inihahanda na ng pulisya ang kaso laban dito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here