Home Headlines Unity walk, peace covenant signing tagumpay

Unity walk, peace covenant signing tagumpay

122
0
SHARE
Lumalagda si NE police director Col. Ferdinand Germino sa peace covenant. Contributed photo

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nagpahayag ng kagalakan si Nueva Ecija police director Col. Ferdinand Germino sa matagumpay na unity walk at pagpirma ng peace covenant na nilahukan ng mga aspirante sa iba’t ibang posisyon sa lungsod na ito nitong Miyerkules, March 12.

Pinangunahan nina re-relectionist Mayor Myca Elizabeth Vergara at kanyang katunggali na si Nueva Ecija Vice Gov. Emmanuel Anthony Umali ang kani-kanilang mga kakampi sa pagdalo sa aktibidad.

Nagkakamay sina Mayor Myca Elizabeth Vergara at Vice Gov. Emmanuel Anthony Umali, magkatunggali sa pagka-alkalde ng Cabanatuan City. Contributed photo

Layunin ng unity walk at peace covenant signing na makamit ang mapayapa at matagumpay na May 12 national and local elections.

Ang mga kalahok, kasama ang ilan pang independent aspirants, ay naglakad mula sa di-kalayuan sa makasaysayang Plaza Lucero patungo sa katedral ng San Nicolas de Tolentino.

“Napaka-successful ng unity walk natin na ito sa Cabanatuan City katulad ng unity walk namin sa probinsya (Nueva Ecija),” ani Germino. Isasagawa rin aniya ang ganitong aktibidad sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan. 

Ang Nueva Ecija ay may 27 bayan at limang lungsod. Isa sa mga bayang ito ang nasa ilalim ng orange category at pito naman, kabilang ang lungsod na ito, ang nasa yellow category para sa darating na eleksiyon batay sa pagtatasa ng awtoridad.

Kaalinsabay ng lungsod na ito ay isinagawa rin ang unity walk at covenant signing sa mga bayan ng Talavera, San Leonardo, at San Isidro.

“The events served as platforms to promote peaceful, fair, and orderly elections, gathering candidates from both political parties, including those running for mayor and councilor,” sabi ni Germino.

Dito aniya ay ipinahayag ng mga aspirante ang kanilang “commitment to a violence-free and democratic electoral process.”

“NEPPO remains steadfast in supporting initiatives that foster unity, security, and public trust ahead of the 2025 National and Local Elections, in line with the plans and programs of Brig. Gen. Jean Fajardo, director of Police Regional Office 3,” saad ng pahayag ng panlalawigang pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here