Tungkol sa Tsina

    479
    0
    SHARE
    ANG PROBLEMA ng Tsina ay ang kanyang deklarasyon na kanyang pagaari ang South China Sea.

    Nine-dash line ang kanyang ginagamit na justification para kunin ang kayamanan ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Indonesia; at palawakin ang kanyang security border upang mapalitan nya ang Estados Unidos bilang security guarantor ng ASEAN rehiyon.

    Dahil sa ginagawa ng Tsina, nalagay tuloy sa alanganin ang kanyang mga mamamyan na tumututol sa kanyang policy of aggression, at ang mga may dugong Intsik sa ibang bansa.

    Dahil sa ginagawa ng Tsina, nalagay sa peligro o panganib ang kapayapaan at ekonomiya ng buong mundo kung sakasakaling magkasagupa ang Tsina, Estados Unidos at Japan sa laot. Maiipit tayo sa gitna.

    Ngunit hindi natin maiwasan ang gulo, dahil ang Pilipinas ay nasa front lines at itong tatlong bansa ay ating top three trading partners. At sa totoo lang, minamaliit at inaabuso tayo ng Tsina sa ating sariling laot o Exclusive Economic Zone. Pinipigil ng Tsina ang ating mangingisda, militar at civilian authorities na pumunta o dumaan sa ating air and sea space. Inagaw daw natin sa kanya ang laot at isla sa loob ng atiing EEZ.

    Nakakakulo ng dugo, hindi po ba?

    Kaya dapat natin paspasin ang buildup ng ating Sandatahang Lakas at Coast Guard/ BFAR para ma-totally secure ang ating EEZ. Credible deterrence ang layunin. Taon-taon ang buildup hanggang makamtan ito . Kayat dapat tuloy-tuloy ang buildup without letup.

    Ang depensa ng Pilipnas ay nasa ating mga balikat; ating tungkulin at responsibilidad.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here