Tuloy ang FOREVER nina Alden at Maine

    411
    0
    SHARE
    Na-break ng AlDub Nation ang sariling record sa number of tweets sa episode last Saturday at sa hashtag na #ALDubEBTamang Panahon na umabot sa 39.4M ang tweets.

    Kung hindi sa maling HT, aabot sa 40M ang tweets. Tinalo ang naunang highest tweets episode na may HT na #ALDubEBforLOVE with 25.6M tweets.

    Mauulit ang pagbe-beastmode sa Twitter ng AlDub Nation sa showing ng My Bebe Love sa December. Ipinakita ang teaser ng movie at sa reaction ng audience, nangangamoy top grosser ang movie with Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas.

    Hindi pa maka-move on ang AlDub Nation sa nangyari last Saturday at sa replay lang nalaman ng iba na ang sinabi ni Alden na “God gave me you” ay sinagot ni Maine ng “God gave me you also.” Kilig din sila sa eksenang mala-Cinderella si Maine na sinuutan ng sapatos ng mala-prince na si Alden.

    Nag-post si Alden sa Instagram (IG) ng picture nila ni Maine at nagpasalamat sa AlDub Nation at sa lahat ng fans. “Tuloy ang FOREVER mga ALDUBarkads.” Nag-post din si Maine ng picture nila ni Alden sa IG niya at ang caption ay “Magical.”

    Ang ganda ng ginawa ng dabarkads ng Eat Bulaga na pumayag silang sina Alden, Maine at ang mga lolas, lalo na si Lola Nidora (Wally Bayola) ang maging bida sa buong episode at supporting lang sila. Kahit sina Tito, Vic at Joey, minimal ang partisipasyon, pero kinanta ang Ngiti na dina-dubsmash ni Alden.

    In-announce na P14M ang ticket sales ng Tamang Panahon at hindi lang para sa AlDub Libraries, tutulong din ang EB sa survivors ng Bagyong Lando.

    Samantala, this Monday ang pictorial ng cast ng My Bebe Love kasama sina Alden at Maine at bukas, ang first shooting day ng dalawa at sunud-sunod na ang shooting nila. Bawal sabihin kung saan ang pictorial at shooting para hindi sugurin ng fans.

    Noong Sunday Pinasaya, tumawag si Maine na kunwari caller ni DJ Bae, muling kinilig ang fans, obvious na nagulat, kinilig, nabulol at na-out of character si Alden na inaming ang sarap-sarap ng feeling sa nangyari sa EB. Nabuking na late sila natulog pareho ni Maine last Saturday at tila nag-usap sa phone.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here