Home Headlines Tulong pangkabuhayan ng pamahalaan, pinupulitika ng iilan

Tulong pangkabuhayan ng pamahalaan, pinupulitika ng iilan

203
0
SHARE

1.
Marami ang nagsasabi na ugat ng katamaran
ang AYUDA sa mahirap nating mga kababayan
mayroon ding nagsasabi na ito ay makatwiran
kung kapus-palad naman ang mga nabibiyayan
subalit kung pinipili kung sino lang ang bibigyan
ay nagiging mitsa rin ng intriga at kaguluhan
2.
Ang ating pamahalaan ay may magandang programa
ang tulong pangkabuhayan na tinawag na “AYUDA”
subalit ang nangyayari ito’y pinupulitika
ng ilan sa kababayan nating mapagsamantala
lalo na noong PANDEMIC na kung saan hilahod na
ang tao sa kahirapan na labis ang pagdurusa
3.
Ang programa ng DOLE na binansagan namang TUPAD
tunay na layunin nito ay hindi raw natutupad
mga DISADVANTAGE WORKERS na dito ay nararapat
di rin naman kasama ang pangalan sa nakasulat
at ang mga tagalista binibigyan daw ng SLOT
ay tanging mga kaibigan at kanilang kamag-anak
4.
Ang ibig lamang sabihin ay iba ang kahulugan
ng katagang titig kaysa sa salitang tinitingnan
wika nga ng MATATANDA tayo ay may kasabihan
ang malapit sa KALDERO ang madalas maulingan
ang ganitong sistema ay malaon ng umiiral
di na yata magbabago ang bulok na kalakaran
5.
Dahil DOLE ang may hawak sa nabanggit na programa
di ba pwedeng sila na lang ang pumili at maglista
wag ng ipagkatiwala pa sana ang paglilista
sa mga taong DAYUKDOK mga gahaman sa pera
dahil ayon sa balita ay may ibang TAGALISTA
diumano ay mayroong komisyon na nakukuha
6.
Ang sabi naman ng iba ang 4P’s, AKAP at TUPAD
ay programa ng gobyerno na tila NANGHIHIKAYAT
sa’ting mga mamamayan upang sila’y maging TAMAD
at hindi na MAGSIKILOS na tuparin ang pangarap
ang isa pang DISBENTAHE ay ito rin ang siyang ugat
ng mga KATIWALIAN na masyado ng talamak
7.
Kahit gaano kaganda ang programa ng gobyerno
ay di rin kaaya-aya sa mata ng ibang tao
lalo’t pinupulitika ng ilan sa pulitiko
imbes na mapabuti ay lalong nagkakandaloko
takbo ng pamahalaan ay hindi na MAGBABAGO
habang ang naghahari ay mga KAMPON NG DEMONYO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here