Tulay ng Main Gate sa SBMA, dipa rin nasisimulan

    480
    0
    SHARE
    Buwan na ang binilang at tila aabutin pa ito ng taon bago masimulan ang construction sa tulay ng FREEPORT Main Gate ng SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY (SBMA) dahil sa plano ng pamunuan na ipagawa ito dahil luma na at tila marupok kung kaya hindi na ito pinadadaanan sa anumang uri ng sasakyan.

    Ganyan din ang nagyari sa KALAKLAN BRIDGE “light vehicles” na lamang ang pinapadaan dito na halos ang lahat ng ito ay pawang plano at isa man lamang sa mga ito ay nasimulan na.

    Ang nakapagtataka sa Main Gate ang nakalagay sa nasabing kalsada ang BRIDGE UNDER REPAIR, pero wala kang makikita isa man lamang sa mga gumagawa sa nasabing tulay magpahanggang sa ngayon at ginawa itong daanan na lamang ng tao at ang PEDESTRIAN LANE  na may bubong ay isinara na rin at hindi pinadadaanan sa tao, kundi man ay ginawang pwesto ng mga tindero at tindera tuwing sasapit ang hapon.

    Tanong ng taumbayan, nasaan na ang PONDO para sa construction ng mga tulay? Batay sa impormasyon ng CASTIGADOR noong isang taon pa may pondo yan, pero nasaan na nga ba?

    Pagpasok pa lamang ng taong 2009 pinag-planohan na itong gagawin, subalit may mga kadahilanan na sinasabi ang pamunuan ng SBMA na dapat tapusin muna ang operasyon ng NIGHT MARKET, subalit buwan na ang lumipas balik uli sa SBMA ang NIGHT MARKET, pero hindi pa rin nasisimulan ang construction ng nasabing tulay.

    O, baka naman inaantay pa ng pamunuan ng SBMA na bumagsak ang tulay at may madisgrasya bago ito gawin para may dahilan ng gagawin na ito.

    Sabagay kung uunahin nga naman yung construction sa tulay, malaking gastos yan, at kung hahayaan yung operasyon ng NIGHT MARKET na may kasamang SUGALAN malaking kita yan at busog ang bulsa ng bawat isa, dip o ba?

    Sa kabilang banda naman, nagmistulang SQUATER AREA ang FREEPORT SERVICE CORPORATION (FSC) ground dahil sa mga nagghanbalang at wala sa ayos na dikit-dikit na “tent” sa mga stall. Maliban dyan makipot pa ang pagitan ng daan at tiyak kapag nagkasunog wala kang tatakbuhan at tiyak TIPOK KA.

    Yan na ba ngayon ang makabagong imahe ng SBMA.

    Kumilos naman kayo bago mahuli ang lahat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here