Home Headlines Tulak ng droga patay sa Aliaga

Tulak ng droga patay sa Aliaga

133
0
SHARE

ALIAGA, Nueva Ecija – Isang residente ng Cabanatuan City na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang napatay sa buy-bust operation sa Barangay Pantoc ng bayang ito bandang alas 9:30 ng gabi nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeff rey Domingo, may sapat na gulang, residente ng Barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Ayon kay Police Major Jaime Ferrer, hepe ng lokal na pulisya, ikinasa ng drug enforcement unit ang buy-bust laban sa suspek matapos di-umanong makumpurma ang iligal na aktibidad nito.

Bigla daw bumunot ng baril ang suspek at pinutukan ang pulis na nakunwaring buyer ng shabu.

Hindi naman ito tumama ngunit napuruhan ng mga pulis na gumanti ng putok, ayon kay Ferrer.

Narekober mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, ang .38 rebolber nito, at ang markado na P500 na ginamit bilang buybust money.

Wala pa namang pahayag ang pamilya ng biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here