Home Opinion ‘Trillanes can be charged with inciting to sedition’

‘Trillanes can be charged with inciting to sedition’

1237
0
SHARE

KUNG tunay mang hindi na puedeng bawiin
ang amnestiya na binigay ni Gazmin
(kay Trillanes), baka sa isyung ‘inciting
to sedition’ siya ay maaring dakpin.

Pagkat kung gaano kabigat ang kaso
ng coup d’etat na pinamunuhan nito
sa Makati laban noon sa gobyerno,
ang pananagutan ay magkapareho.

At ang parusa ay kung hindi man bitay
(dahil ‘abolished’ na sa kasalukuyan),
tiyak na ‘life sentence’ ang bubunuhin n’yan
sa NPB o sa Pambansang Kulungan.

Kaya sa puntong yan ay di pa rin ligtas
itong si Antonio sa kinaharap
na kasong marahil ang taglay na bigat
ay ibayo kaysa nadismis at sukat.

Sana naman itong ating kaparihan
ay huwag nang sa ganyan sila makisawsaw,
na kagaya nitong ang panalangin niyan
ay magkasakit si Digong (at mamatay?)

Kaya naman ganting sagot ni Pangulo,
ang ilang Pari ang maysakit umano
ng HIV at AIDS maliban sa ito
ay may mga anak sa ampunan mismo?

Lumalabas tuloy sa pakikialaman niyan,
‘separation of church and state,’ ba naman
ang nilalabag ng ating kaparihan
sa takbo ng ating usaping pambayan.

Kung saan sa isang banda si Antonio
ay lalo lang naging sobrang abusado
at walang pag-galang sa ating Pangulo
nang dahil na rin sa pangyayaring ito.

Sa totoo lang ay sa ‘ting malinaw na
kay Trillanes ngayon ngayon nakikita,
‘yan may pagka-duwag kaya nagkulong siya
sa Senado para di hulihin siya.

Kasi kung talagang siya ay matapang
dapat ay kusa siyang sa ‘ting kapulisan
sumuko kahit siya ay hindi kriminal
upang di masabi nating duwag nga yan.

Bibig lang ni Tonio ang sobra ang dakdak
pero may ‘daga’ rin sa dibdib kung kaya’t
sa palda ng Senate nagpalipas oras
ng ‘pitong tulog’ o isang linggong singkad?

At ang hindi lubos na mawari natin
ay kung bakit gayong itong si Sec Gazmin
ng DND lang ang sa ‘amnesty’ nag-signed,
na bigay ni PNoy ay may ‘legal bearing’?

At komo ba inaproban ni Aquino
ang ‘amnesty’ na hiniling ni Antonio,
pero ang pumirma nga ay ibang tao,
kinikilala ba ng ating husgado?

‘Lawyer’ ang ating Pangulong Duterte
kaya maalam sa kalakaran syempre,
sa husgado at kung saan ang di puede,
ay hindi kailanman maaring posible.

O nang dahil na rin sa taglay na galing
ng isang ‘Attorney’ malimit mangyaring
nagagawa nilang lahat baligtarin,
gaya ng ang puti ay nagagawang itim?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here