Home Headlines Tricycle taob sa buhawi

Tricycle taob sa buhawi

4828
0
SHARE

Bagsak ang mga puno, naghambalang sa kalsada ang sasakyan sa lupit ng buhawi. Kuha ng CDRRMO



SCIENCE CITY OF MUÑOZ
 — Sugatan ang mag-asawang residente ng lungsod na ito nang tumaob ang kanilang sinasakyang tricycle dahil sa buhawi na naranasan sa karatig bayan bandang alas 4:30 ng hapon nitong Huwebes.

Nakilala ang mga biktima na sina Mauricio Nardo, 56, at misis niyang si Maria Eliza, 50, ng lungsod na ito 

Ayon sa city disaster risk reduction and management office, binabaybay ng tricycle ang kahabaan ng Maharlika Highway sa bahagi ng Barangay Malayantoc, Sto. Domingo nang biglang bumuhos ang ulan na may kasamang malakas na hangin.

“Their tricycle fell into the ricefields due to heavy rains and strong winds,” pagbabalita ng CDRRMO.

Nagtamo ng maliit na sugat sa ulo ang ginang at nagkasugat din ang mister nito kaya sila ay dinala sa rural health unit ng lungsod, ayon sa DRRMO.

Bukod sa mag-asawang Nardo ay ilang motorista rin ang napaulat na nabuwal sa minamanehong motorsiklo sa bayan ng Sto. Domingo dahil sa naturang buhawi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here