PILAR, Batan — Kalaboso ang sinapit ng isang traffic aide ng Metro Bataan Development Authority matapos itong mahulihan ng shabu sa isang checkpoint sa bayang ito.
Sa ulat ng Pilar PNP, kinilala ang suspek na si Ariel Dela Marca, 43, residente ng Abucay, Bataan.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng checkpoint ang Pilar PNP nang mapadaan ang suspek sakay sa kanyang single motorcycle.
Pinahinto ito at nang pinalalabas ang kanyang driver’s license, napansin ng mga pulis na may nakaipt sa lisensiya nito at nang busisiin ay nakuha ang isang sachet ng shabu.
Kamakailan lang ay sumailalim sa random drug test ang suspek at nagpositibo ito sa paggamit ng droga, batay na rin sa pahayag ng kanyang asawa.