Home Headlines Lola timbog sa pagtutulak ng droga

Lola timbog sa pagtutulak ng droga

1320
0
SHARE

PILAR, Bataan – Nahuli ang isang lola na nagbebenta ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Batangay Ala-Uli sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Luningning Reyes Bautista, 50, tubong Guimba, Nueva Ecija at residente ng Barangay Nagwaling, Pilar.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang pitong plastic sachet ng shabu at P3,500 na marked money na ginamit na pambili ng shabu.

Batay sa pahayag ng suspek sa mga pulis, nagawa nitong magtulak ng droga dahil silang mag-asawa ang bumubuhay sa apat nilang apo para lamang may maipakain at masustentuhan ang pangangailangan mula nang ang mga ito ay iwanan ng kanilang mga magulang sa kanila.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here