Sa lungsod ng San Fernando ay posibleng
Naging arogante at abusado rin
Sa pagtupad n’yan hawak na tungkulin
Gaya nitong kailan lang napabalitang
Umano ay tila hindi kagandahang
Asal na nagawa ng taong naturan,
Yan sa local media ay di nga mainam
Na sigawan sila’t ayaw papasukin
Sa Convention Center nitong subject natin
Bagama’t magalang na sila’y nagsabing
Sa okasyong iyon sila ay may papel.
To confer then the “Darling of the Press Award”
Given by Media at the coronation night,
But instead listening to their valid request,
Said officer shouted to Eric Jimenez?
At kung saan ayon sa nakalap nating
Report ay para bang pinagmamagaling
Na siya’y untouchable sanhi nang marahil
Ay ‘Closeness’ yata niya sa nasa tungkulin?
(At umani rin ng papuri sa Media
Nang si Mam ay kusang ipakalbo niya
Ang sarili nito para ipakita
Sa bayan ang kanyang pagpapahalaga
Sa naging biktima ng Mamasapano
Massacre, na eksaktong kuwarenta’y kuatro,
Itong PNP SAF na nagbuwis dito
Ng buhay n’yan dahil kay PNoy umano?
At ng PNP Chief niyang si Purisima,
Na bagaman ‘on leave’ ay nakialam siya
Sa operasyong ‘yon kaya nadisgrasya
Ang kaawa-awang natadtad ng bala?)
Pero kaugnay ng pambabastos bilang
Ni Superintendent Jean Fajardo, hayan
Ang local media ng ating lalawigan,
Lubhang nasaktan sa pangyayaring yan.
At ang NUJP-Pampanga sumali
Sa pagkondena r’yan ng ating PPC
(Kay Fajardo) sa pagiging arogante
Niya at posibleng abusado pati.
“Her arrogance should not let be tolerated,
Before sometime it could probably escalate
Into another grave and serious incident
Towards the press people,” the media union said.
Kung saan pati na ang ‘Metro Angeles
Journalists Association’ with its president
Jay Pelayo IV allegedly have said
Arrogant behavior should be castigated?
Tama lang kung sadyang ganun nga talaga
Ang naging takbo ng ‘bangayan’ kumbaga,
Pero kung sanhi lang ng nagkulang sila
Ng ‘proper coordination’ sa isa’t-isa
Kaya’t humantong sa ganyang pangyayari,
Di rin naman natin lubos masisisi
Itong ating Chief of Police ng PNP,
Kaya nasigawan itong Media pati.
Dala na rin nitong nagkagulong bigla
Sa ‘main entrance’ mismo nang si ALDUB yata
Ay papasok na sa pinaka-venue nga
Ng ‘coronation’ na doon itinakda.
Nakaraan na yan at wala rin namang
Mabigat na bagay na kinahantungan,
Kung kaya wala ng pinaka-mainam
Kundi bawat panig ay magpasensyahan!