Mangingisda nahulog sa bangka sa lakas ng hangin, nalunod

    267
    0
    SHARE
    ORION, Bataan – Isang binatang mangingisda ang nalunod sa bahagi ng Manila Bay sa bayang ito matapos mahulog sa bangka dahil sa lakas ng hangin sa kasagsagan ng habagat Martes ng hapon.

    Ayon kay Renato Artuz, pauwi na sila sa Barangay Sta. Elena, Orion matapos mangisda ng kanyang pamangking si Enrique Lazarte, Jr., 24, nang mahulog ito sa bangka at malunod bandang alas- 2:30 ng hapon.

    Si Artuz ang nagpalaki sa biktima at tumayong ama nito.

    Ang itinuruing na anak ay nasa unahan ng bangka nang mapalingon umano siya sandali habang nagsasagwan. “Biglang gumalaw ang bangka at sa pagtingin ko sa unahan, biglang nawala ang anak ko at nang makita ko malayo na sa bangka,” sabi ng matanda.

    Sinabi nitong hindi naman gaanong malalaki ang alon pero malakas ang hangin ganoon din ang agos ng tubig.

    “Tumalon ako sa tubig at nilangoy ko ang anak ko. Inabutan ko lupaypay na siya. Lubog, litaw kami sa tubig,” sabi ni Artuz.

    Sumigaw umano siya ng saklolo ngunit walang nakarinig dahil sa lakas ng hangin.

    Si Lazarte ang pangalawang nalunod sa linggong ito sa kasagsagan ng habagat sa Bataan. Isang binatilyong taga-Mindanao na sumagip sa ilang nalulunod ang siyang nalunod sa isang beach resort sa Mariveles.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here