Home Opinion Total ban na ang dapat ipatupad

Total ban na ang dapat ipatupad

277
0
SHARE

KUNG sadyang anhin mang ipag-utos yata
ng gobyero itong bawal na paggawa
r’yan ng paputok na imbes galak, tuwa
ang dulot, taliwas sa inaakala,
ng marami itong maaring mapala;

Na lubhang malayo sa inaasahang
saya ang maaring madama sa ganyan
kundi ng disgrasya’t sakit ng katawan,
maliban sa ito’y pinagkagastahan
natin, tayo ang siyang marapat maglubay

At tayo na rin ang may sala sa puntong
ang ganyang produkto atin pang patuloy
na tinatangkilik gayong ang peligrong
kaakibat n’yan ay kundi man nang putol
daliri, higit pa kapag nagkataon.

Pagkat sa kabila nitong may batas na
kailangang masunod, may mga pabrika
riyan ng fi recrackers, itong hindi nila
magawang sundin ang marapat talaga,
na naayon sa ‘fair and just’ kumbaga.

Yan nang dahil na rin sa itong iba r’yan
na gumagawa ng bagay na naturan,
sariling interes nila’t kapakanan
ang nangingibabaw sa industryang tangan,
kaysa lumagay sa marapat kalagyan.

Hindi na lingid sa kanila ang dulot
na pinsala nitong bawal na paputok,
pero naglubay ba itong lahat halos
sa paggawa r’yan ng kapagka sumabog,
talo ang lakas ng bulkang “Hibok-hibok”?!

Di tayo kalaban nitong sino pa mang
may pagawaan ng paputok na ganyan
sa Bocaue’t ibang parte ng Bulacan,
na patago nilang ipinupuslit d’yan,
kahima’t batid n’yan na talagang bawal.

Kung saan di lang sa nasabing probinsya
nakararating ang kanilang paninda,
kundi pati na rin dito sa iba pa;
Na iba ang tatak, subalit iisa
ang komposisyon ng pagka-gawa nila.

At maituturing na ‘unfair practices’
sa negosyo itong para maipuslit
ang mga ‘unwanted’ n’yan na ‘pyrotechnics,’
lolokohin na r’yan ng mga damontres
itong ‘consumers’ at/o general public?’

Sa puntong ito ang panawagan natin
sa lahat – lalo na sa hirap tanggapin
n’yan na ang industryang ito’y ipatigil,
higit na maka-bubuti marahil
ipasara na lang ng gobyerno natin.

Kaysa dumani ang biktima ng ganyang
klaseng negosyo na walang tinitingnan
kundi ang sarili nilang kapakanan,
kaya’t alam man n’yan na perwisyo lamang
ang puedeng idulot sa tao sige lang.

Sanhi na rin nitong kapagka’ sariling
interes na r’yan ang sa puso’t damdamin
ng kapitalista ang nanaig pa rin,
ano pa mang bawal ay pilit gagawin
ng mga dayukdok sa puedeng kitain!

(At nasa ‘consumers’ na sa ganang akin
sa puntong naturan ang ikagagaling!)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here