Sa gabi ng Star Awards, isa si Tom Rodriguez sa mga presenters. Ang aga niya sa venue kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga press na makausap siya nang mahaba-haba. And Tom is one of the nominees para sa Best New male pero mukhang wala naman siyang paki. As if hindi nga niya knows na nominee siya.
But in all fairness, Tom is a hunk to behold. Ang guwapo pala niya na talaga namang kinilig ang maraming press na bading sa kanya. Why should I deny na kami ang pinakakilig dahil ang guwapo guwapo nga niya.
Pero hindi hanggang dun lang ang dahilan ng paghanga namin kay Tom. Foir one, he has a great sense na talaga naming matinino ang mga sinasabi. Isa pa, he seems to be sincere sa mga sinasabi niya.
By the way, Tom is from the PBB na isang half American half Pinoy na nakipagsapalaran sa PBB. At dahil nga guwapo, paglabas niya sa bahay ni kuya, nagging artista na siya agad.
Hindi naman nagging madali ang break sa kanya, but when one came along, sa Here Comes The Bride nga, aba, nag-shine siya nang husto and competed sa ibang cast ng movies ni Chris Martinez.
Heto ka, isa si Tom ngayon sa mga paborito ni Mother Lily at isa siya sa mga binabalak na i-build up in the future. He is already in Temptation Island who plays a very sexy role. Would he consent to the a sexy image building na ginagawa ngayon sa kanya? “If this is my destiny, let it be, handa ako, I accept the challenge, I will just make sure that I have the body to boot off,” sabi pa nito.
Sa acting deparment naman daw, alam niya ang mga kakulangan niya but he is willing to train, lahat daw talaga kakayanin niyang gawin.
This Tom is really bet on making acting his lifelong career at wala ngang makapipigil sa kanya. Masking nga yung lovelife niya, he is now suppressing, alang alang sa career. In fact, Tom was telling us that he fell in love kay Princess Banzon na nakasama niya sa PBB at talagang niligawan niya ito. Feeling nga raw niya, sinagot na siya ni Princess pero nag-usap na muna silang kalimutan muna nila. Sagabal nga naman sa career ang pag-ibig and Tom knows that very well.
Noong araw daw na hindi pa siya nag-aartista, ang hilig daw niyang manligaw. Date daw siya nang date sa USA. In fact nakaseryosohan niya’ng isang Vietmamese girl pero sa wala rin napunta yung love nila.
For now, handing kalimutan ni Tom ang lahat ng bagay na gusto pa niyang gawin alang alang sa pag-asrtista.
Nakakabilib, hindi po ba?