INABANGAN kasi ng Pinoy ang huling laban ng ating kababayan na umani naman ng palakpak at papuri sa commentators sa kanyang performance.
Pangatlo si Michael sa unang batch ng mga fi gure skaters na nag-perform. Pero kung may mga sumemplang sa grupo niya, isang beses lang na-out of balance ang binata at wala siyang bagsak!
’Yun nga lang, bihasang-bihasa na ang mga sumunod na kalaban kaya ’yung unang puwestong nakuha niya sa first batch ay bumaba sa kalaunan. Agad nga raw pinagkaguluhan ng media si Michael after ng kanyang performance ayon sa report ng TV5 reporter na nasa Russia.
Darling of the media nga ang naging taguri sa ating kababayan dahil interesado silang malaman kung saan siya nagsimula sa fi gure skating.
Lubos naman ang pasasalamat ni Michael sa interview sa kanya sa ating kababayan sa suporta at dasal na ipinarating sa kanya. Nag-landing sa 19th place ang ating kababayan na hindi na masama for a first timer.
Watching Michael glide, sway and jump sa fi gure skating makes us proud bilang isang Pinoy! After four years pa ang kasunod na Winter Olympics.