“The unbeatable”

    148
    0
    SHARE
    Sa lahat ng naging Mayor ng San Simon,
    wala pa marahil liban kay Mrs. Wong
    sa naturang bayan, 9na ngayo’y 3rd class town),
    ang napabilang sa mga ‘world class mayor’;

    Na kung saan bukod tanging siya lamang
    itong ‘town mayor’ na naimbita minsan
    kasama ang iba pang pang-daigdigang
    ‘awardees,’ na tulad nina Mayor EdPam

    Ng Angeles city at kalipi natin
    na pawang ‘in terms of public service’ naging
    mapuri at saka mga nabigyan din
    ng ‘due recognition’ sa taglay na galing.

    At mahusay pati sa wastong pagrenda
    ng kanilang badyet at ibang bagay pa
    na kinakailangang malinis at saka
    naaayon lahat sa batas talaga.

    Kaya’t mapapalad ang taga San Simon
    at di nagkamali sa pagpili kay Wong,
    na siya itong sa ‘last term’ niyang paghabol
    ang pamuling inihalal bilang Mayor.

    At sa totoo lang kung di lang may limit
    itong tinatawag nating ‘terms of office,’
    Si Mayor Wong kahit makasampung beses,
    mananalo tiyak ng paulit-ulit.

    Kung saan posibleng higitan pa nito
    si Mayor Boking ng Mabalacat mismo,
    na kinikilala halos buong mundo
    ang kasikatan niya sa bagay na ito.

    Pagkat siya itong ‘longest serving mayor’
    na kinikilala dito sa ‘3rd Region’
    at maging sa buong Filipinas pihong
    siya ang ‘topnotcher’ magpahangga ngayon.

    Ang katulad ni Wong itong di pa kaya
    muli’t-muling ihahalal nitong madla
    na taga San Simon, (sa ating hinuha),
    kung pupuede rin lang pagkat mahusay nga?

    At ano pa nga ba itong hahanapin
    ng mga kabalen niya kung tuusin?
    Malinis at tapat siya sa tungkulin
    maliban sa siya’y sadyang matulungin.

    Kailan na nagkarun sa nasabing bayan
    na ang lahat halos ay natutulungan
    ni Wong – partikular ang mga ‘scholar,’
    na dati’y wala niyan sa kanilang lugar?

    Kundi nga lang nitong siya ang nag-mayor,
    kung saan maliban sa bigay na tulong
    ng pamahalaang bayan ng San Simon,
    siya’y personal din namang tumutulong

    Sa pangangailang personal ng ibang
    mga kabalen na walang malapitan,
    kundi ang Alkalde na palaging handang
    tumulong sa lahat ng nangangailan.

    Sana, may isa pang katulad din ni Wong,
    na palaring maging Mayor ng San Simon,
    sa mga darating pa riyang panahon
    upang pati ang pag-unlad magpatuloy

    Kasi kung di rin lang kasing husay ni Wong
    ang pumalit bilang municipal mayor,
    pagkaraan uli ng tatlo pang taon,
    hahanap-hanapin tiyak ang dating kampeon;

    Na tunay naman ding matapat sa bayan,
    malinis at walang dungis ang pangalan;
    ‘deserving’ sa hawak nitong katungkulan,
    at higit sa lahat ay dangal ng bayan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here