Home Opinion ‘That stupid Pangilinan law’

‘That stupid Pangilinan law’

732
0
SHARE

KINAKAILANGAN na nilang amyendahan
sa Kongreso ang walang kakwenta-kwentang
batas ni senador Kiko Pangilinan,
kung saan ‘protected’ itong kabataan

Sa anumang klase riyan ng parusa,
kahit anong bigat ng pagkakasala,
gaya ng ‘heinous crime’ at mas masahol pa,
kaya marapat nang yan ay susugan na.

Since under the Republic Act 9344
Authored by none other said brilliant senator,
Particularly youths 15 years old below
For crimes like rape, murder cannot be imprisoned.

Base sa probisyon ng naturang batas
ang pulis at DSWD dapat
ang kinakailangan pa munang magsiyasat
kung ang 16 hanggang 18 itong edad
ng ‘accused’ ay walang banto yan sa utak.

Nangangahulugan na kung alam niya
ang pinagagawa sa kanyang biktima
‘during the commission of the crime’ kumbaga,
para matiyak kung ano siya talaga?

That’s really stupid law since at this state
Of television and the so called Internet,
A 14 years old kid’s mind is equivalent
To that of one who is now 20 years of age
(Before the advent of multimedia outlets)

Kung istupido nga ang naturang batas,
anong kay Kiko at kasangga nagtulak
para isulong at katigan n’yan dapat
Itong ipinasa nilang ‘Republic Act?’

Alam kaya nila na nang dahil dito
sa Pangilinan’s law dumami masyado
ang batang kriminal sa panahong ito,
na naging pusakal, mamamatay tao?

Sapagkat bunsod nga ng naturang batas
kung saan ang edad katorse pataas,
di puedeng ikulong anumang paglabag
ang gawin, itong sa krimen nagpataas?

Dahilan na rin sa mga kabataang
edad trese, pataas ang kasangkapan
nitong mga salot ng ating lipunan
sa paggawa n’yan ng katarantaduhan.

At kahit pumatay nagagawa na rin
gaya ng sa TV nakikita natin
at sa ‘social media’ madalas banggitin,
na mga ‘minors’ ang madalas sangkot din.

Tama’t dinadakip ‘yan ng otoridad,
pero sa DSWD din ang bagsak,
dahil protektado nga sila ng batas
ni senador Kiko (na walang binatbat!)

Panahon na upang ang batas ni Kiko
ay ibasura na (rin pati si Kiko),
kaysa maging senador muli si Kiko,
upang di matulad sa isa pang ‘Kiko’

(Na ‘Kiko baterya’ ang tawag sa isang
animo’y manyika na tangan sa baywang
ng ‘ventriloquist’ na nagpapagalaw n’yan
habang kunwari ay nagsasalita ‘yan;

Di ko ninanais ang ating Senador
ay ikumpara sa “Kiko” bateryang ‘yon,
kundi ang atin ay isang paglingon
sa munting bahagi ng ating kahapon.

Kung saan malaki na ang pinagbago
nang nakaraan at ng panahong ito,
na ang kabataan ay sakit ng ulo
ng ibang magulang at ating gobyerno!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here