Home Headlines Palparan, 2 pang sundalo guilty sa pagkawala ng 2 UP students

Palparan, 2 pang sundalo guilty sa pagkawala ng 2 UP students

498
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS – Hinatulang guilty beyond reasonable doubt ng Bulacan RTC Branch 15 si AFP Retired Maj. Gen. Jovito Palparan at dalawa pa nitong kasama dahil sa pagkawala ng dalawang UP students noong 2006.

Nagbitaw ng masasakit na salita si Palparan laban kay Bulacan RTC Branch 15 Judge Alexander Tam ayo matapos ibaba ang hatol na reclusion perpetua.

Kasama din sa hinatulan sina Lt. Col. Felipe Anotado at S/Sgt. Edgardo Osorio sa kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention dahil sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.

Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad din sina Palparan ng halagang P100,000 para civil indemnity at P200,000 moral damages sa pamilya ng mga biktima.

Dismayado sina Palparan sa hatol dahil wala aniyang mabigat na batayan ang huwes para sila i-convict.

Masakit daw para sa kanila ang hatol ni Tamayo at naimpluwensyahan lamamg ito ng makakaliwang grupo.

Dismayado din sina Anotado at Osorio sa hatol dahil wala daw silang kinalaman sa pagkawala ng dalawang estudyante.

Nahilingan lamang daw si Osorio na mag-security escort kay Palparan qt siya ang pinadala ng AFP ngunit malaunan ay dinawit na rin siya ng mga nag-aakusa.

Agad daw na mag-aapela si Palparan sa mas mataas na hukuman at umaasang mapapawalang sala siya doon.

Hindi din daw niya alam ang kanyang kapalaran sa seguridad pagdating niya sa New Bilibid Prison.

Natutuwa naman Atty. Jun Oliva, private prosecutor na mula sa National Union of People’s Lawyers, sa hatol ng judge.

Aniya, binasura na rin ng huwes ang mosyon ni Palparan na manatili sa kustodiya ng militar habang umaapela pa.

Emosyonal naman ang mga magulang nina Karen at Shierlyn sa hatol at isinisigaw na ilabas ni Palparan ang dalawang bata.

Bantay sarado ng PNP at military ang paligid ng Capitol compound mula pagdating hanggang pag-alis ng grupo ni Palparan habang nagpatuloy sa demonstrasyon sa harap ng RTC ang mga militanteng grupo kontra kay Palparan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here