Tanod patay, 1 pa malubha

    96
    0
    SHARE
    SAMAL, Bataan — Isang tricycle na sakay ang dalawang barangay tanod ang sumalpok Lunes ng madaling-araw sa malaking puno ng mangga sa gilid ng kalsada dito na naging sanhi ng kamatayan ng isa at malubhang pagkasugat ng isa pa matapos tumilapon sa sasakyan.

    Kinilala ang nasawi na si Jerry Matawaran, 60, at ang nasa malubhang kalagayan na si Florencio de Leon, 50, driver ng tricycle. Parehong tanod ng Barangay Santa Lucia sa bayan ng Samal ang dalawa.

    Isinugod sila sa Bataan General Hospital sa Balanga City kung saan idineklarang dead on arrival si Matawaran at nag-aagaw-buhay naman si de Leon.

    Ayon kay Kapitan Rolando de Silva ng Barangay Sapa, Samal, agad silang rumesponde sa pinangyarihan ng sakuna bago magalas-2 ng madaling araw at inabutan nilang nakabulagta ang dalawa sa labas ng tricycle.

    “Bumangga ang tricycle sa puno ng mangga. Si Jerry Matawaran na sakay ng tricycle ang namatay,” sabi ni de Silva.

    Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ng Samal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here