Narito po ang buong istorya ng aming kaibigan.
Almost two years na rin ang nakakaraan simula nang salantain sila ng nasabing bagyo at nakakatuwa naman nang pumunta kami nitong nakaraang weekend ay nakita naming marami na ang na-restore.
Inimbitahan kami ng mag-asawang Mayor Alfred Romualdez at Councilor Cristina “Kring Kring” Gonzalez last weekend (June 27-29) para sa kanilang taunang fiesta. Last year ay hindi sila nag-celebrate dahil nga naka-focus sila sa pagri-rebuild ng bayan at hanggang ngayon pa rin naman daw.
“Last year,” say ni Kring Kring, “may konting celebration pa rin pero tahimik lang, walang activities masyado, naka-focus kami sa rebuilding, actually, hanggang ngayon naman, pero para sa amin naman, itong fiesta, bongga siya pero makakatulong naman sa tourism, makakatulong sa ekonomiya, so isa ’yun, ’di ba?
“Siyempre, ’pag maraming tao, maraming festivities, gagastos sila dito, o di everyone happy, lahat ng concessionaires, mga tindahan, marami silang sales, everyone’s happy, so it helps, it’s a win-win situation.
“Another is ’yung psyche ng mga tao na to move on, leave what’s past behind, bangon tayo, move on, move forward, kumbaga, nakakatulong ’yun, eh, sa positive outlook ng mga tao na huwag na tayong tumingin sa mga bad na nangyari, ganyan.
“So, nakakatulong. Parang nanu-normalize na rin ang kanilang outlook like if you go to Balyuan Convention Center, gabi-gabi (may show), like now, it’s Rock Steady para ’yung mga tao, nagsasaya na, nagkakainan, nagiinuman, lahat. Parang normal na,” dagdag ni Kring.
Mas dumami pa nga raw ang mga nagtayo ng negosyo ngayon sa kanilang bayan.
“Dumami ang mga hotel, dumami ang mga kainan, dumami ang mga store, lahat. Of course, masama ’yung nangyari, pero mayroon ding good, na parang na-boost din ang economy in a way. Pero hindi pa siya tulad ng kung ano ’yung dati. Parang it’s going back, unti-unti. Parang nagugulat na lang kami sa dami ng nag-o-open na bago like ’yung mga small hotel na bed and breakfast,” say ni Kring.
Of course, dahil sa naranasan, marami silang planong i-conduct na drills and training para mas maging aware ang lahat ng Taclobanons kapag may mga disaster.
Thankful din si Kring sa mga filmmaker na pumupunta sa kanilang lugar para gumawa ng pelikula about Yolanda at ang isa nga rito ay siya pa ang kinuhang isa sa lead cast, ang pelikulang Yolanda.
Tatalakayin ng pelikula ang buhay sa Tacloban before and after the storm. Tatlo silang bidang babae at ang dalawa pa ay sina Councilor Kate Coseteng at ang Sectetary General ng Philippine Red Cross na si Gwendolyn Pang.
Ito ang comeback film ni Kring after a very, very long while. Tinanggap daw niya ang indie film dahil hindi naman daw ito masyadong heavy at mga 10 shooting days lang naman daw.
Tungkol naman sa politika, wala pa raw definite plan sa ngayon kung tatakbo siya pero ini-encourage raw siya ng mga Taclobanos at mga kaalyansa ni Mayor Alfred na mag-take over sa posisyong iiwanan nito since last term na rin ng asawa bilang alkalde.
“Gusto niya rin siyempre na kung ano ’yung mga plano niya na inumpisahan, matuloy din namin. That’s ’yung parang magiging reason namin if we decide to run. Pero wala pang final talaga. I’m still thinking about it,” she said.
Si Mayor naman daw ay pinapatakbong governor ng mga kaalyansa nila pero wala pa rin daw final na decision.
Pero nang makausap naman namin si Mayor, he hinted the possibility of retiring muna from politics.
“It’s not yet clear, eh. I wait what’s my calling, but I don’t see it yet, so most likely, I will retire from politics,” deklara ni Mayor.
Hindi pa naman daw official announcement ito at kumbaga, sinasabi lang niya ang present status. Sakali naman daw na talagang magri-retire na siya ay itutuloy pa naman daw niya ang pagtulong sa Tacloban at kung sakali naman daw mai-elect na mayor si Kring ay tutulungan na lang daw niya ito from behind at may mga anak din naman daw silang dapat asikasuhin.
“Siyempre, mahirap din namang pareho kaming nasa politics, so magpapahinga muna ako. I’ll be with my children, but through private foundations and friends from the Philippines, we have plans for Tacloban, so that will continue,” pahayag ni Mayor Alfred.
Samantala, mas bongga ang fiesta ngayon sa Tacloban dahil ma nadagdagan pa ang mga activities. Ang ilan sa highlights ng celebration ay ang Sangyaw Festival at Parade of Lights.