Home Headlines Swimming pool na may bubong tamang-tama sa mainit na panahon

Swimming pool na may bubong tamang-tama sa mainit na panahon

729
0
SHARE

ABUCAY, Bataan — Matapos ang pandemya, dinarayo na naman ng maraming bisita ang magandang Villa Amanda Resort and Restaurant na nasa tabi lamang ng MacArthur Highway sa Barangay Capitangan dito.

Kilala ang resort dahil sa mga swimming pool nito na may bubong na tamang-tamang pananggalang sa mainit na sikat ng araw. Nakalilim ang mga naliligo kaya preskong-presko at natatakpan sa mainit na araw mapa-bata man o mapa-matanda.

Masayang-masayang nagkakainan, nagkukuwentuhan ang mag-aanak at magkakaibigan sa mga cottages sa tabi ng malaki at maliit na mga swimming pool. 

Ilang replika ng cartoon character na The Avengers ang nasa tabi ng swimming pool ng mga bata na bahagi ng pagpapadama ng mga may-ari na child-friendly ang kanilang resort. May nakamasid na mga lifeguard sa bawat swimming pool.

Naglalakihan ang mga isdang tilapiya sa ilalim ng restaurant ng resort. Specialty nila at dinarayo ang kanilang ulam na pesang tilapiya na pwede ring ihawin o iprito at iba pang luto na gusto ng bisita.  

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here