Susunod na kina Juday at Ryan??? Angel Locsin, pakakasal na kay Luis Manzano?

    393
    0
    SHARE
    Masaya na si Angel Locsin dahil kailan lang, inamin sa publiko ni Luis na siya nga’ng girlfriend nito. Gayundin naman si Angel na hayagan na sa pagsasalitang mahal niya si Luis at posibleng ito na ang kanyang pakakasalan.

    Even  Edu Manzano and Vilma Santos are open about their son’s relationship. Obviously, boto sila kay Angel para maging manugang.

    Ang kasunod kaya ng mga pahayag nila ay posibleng kasalan na ?

    Ito na kaya eventually ang magpapasaya kay Luis Manzano?

    Maraming bagay ang nagpapasaya kay Luis Manzano pero siyempre, may pinakauna na si Angel Locsin na siya niyang current na karelasyon.a siyempre, nakapagpasaya rin kay Luis yung mga memories niya sa mga magulang niya, yung kanyang kabataan hanggang ngayong siya ay nasa wastong gulang na.

    “Mommy ko, [Vilma Santos] ang nagsabi na merong nagpapasaya sa akin, kaya in her own words ay blooming daw ako,” nangingiting wika ni Luis sa isang interview sa kung sino pa’ng nagbibigay sa kanya ng ligaya.

    Ikinuwento rin ni Luis yung mga boyhood memories niya with her parents, Batangas governor Vilma Santos and Edu Manzano.

    “It would have to be anything na may kinalaman sa school, yung mga intramurals, yung mga basketball games. Pumupunta sila kahit na ano pa ang kailangan nilang gawin sa araw na ‘yon. Panonoorin nila ako at susuportahan.”

    Nakita raw ni Luis ang kaligayahan ng mga magulang kahit na may kanya-kanyang buhay na tinahak ang mga ito.

    “Noong bata pa ako… Siguro we always have that initial thought na doon ako nabuo. Pero after a while, nakikita ko kung gaano sila kasaya sa respective lives nila, sa kanilang mga relevant someones. You know, my mom got married, and my dad too. Yun ang tinahak nilang mga landas. And I can see na napakasaya nila. And I love the fact that they are happy even if they chose to be separated.”

    Itinuring din niyang naging suwerte sa kanya yung pangalan niyang Lucky.

    “Sinabi ko na sa presscon na once and for all, I was never annoyed. Never akong nairita. Tawagin mo akong Luis, titingin ako. Tawagin mo akong Lucky, titingin pa rin ako. It’s still my name. It’s still the name na ginamit ng Mommy ko na panglambing sa akin. So, bakit ako maiirita sa pagmamahal na ‘yon.”

    Every time na mag-e-end yung kanyang show (Vilma!), your Mom always say, ‘I love you Lucky!’

    “Yes, and never akong nainis. Naglalambing ang mommy mo and she tells to everybody how much she loves you. Sino ba naman ang maiinis sa ganun, di ba?”

    At lalo raw maganda ang dalang memories ng mga pag-ibig na kanyang pinagdaanan sampu ng kanyang pangkasalukuyan.

    “Kung anuman yung napagdaanan ng puso ko, ng pagkatao ko, for the past 27 years, whether it be ngiti or luha, siguro hindi ako yung nakaupo ngayon dito kung hindi ko napagdaanan yun. Bahagi ‘yan ng pagkatao ko.”

    Sa lahat ng mga niligawan mo dito sa showbiz, kanino ka pinakanahirapan? Name names ito.

    “Not even name names. Siguro one particular name comes to mind—definitely Toni Gonzaga. Yung lokohan namin ni Toni, sabi ko, ‘I’m 27, three years kitang niligawan. Kung hindi ka dumating, siguro 24 pa rin akong hanggang ngayon.’ Yun ang lokohan namin. Pero yung relationship namin evolved into one of the best friendships. So, we’re very, very happy.”

    Can you tell why it was difficult?

    “I guess sa kanya dapat itanong ‘yan. Because I was there naman. I offered my heart. Siguro it was not meant to be. I can’t blame her in any way. Nagkataon lang siguro, we were never meant to be.”

     Kailan ka huling umiyak dahil sa pag-ibig at sino ang dahilan?

    “Wow, umiyak sa pag-ibig! Siguro almost four years ago, it has to be siguro si Anne [Curtis]. Yung huling iyak ko ng pag-ibig, it would have to be Anne.”

    Bakit?

    “Basta sa tingin ko, four or five years, may pinagdaanan kaming dalawa. Although alam natin na we had a colorful history. Actually, yung huling iyak sa pag-ibig, it was a long time ago and dahil ‘yon kay Ms. Anne Curtis.”

    Gaano ka kasaya sa piling ni Angel Locsin?

    “Ika nga ng isang artistang nagngangalang Angel Locsin, 10!” madiing sagot ni Luis, na ikinatili ng mga tao sa studio.

    Matatandaan kasi na unang na-interview si Angel, bago pa ang nangyaring tampuhan sa dalawa, ang sagot ni Angel sa same question is also a perfect 10 para sa kanyang happy love life.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here