Suspek sa tangkang pag-gahasa, nahuli

    504
    0
    SHARE

    PLARIDEL, Bulacan – Naglalaro pa ng holen ang isang 18 anyos na suspek sa tangkang pag-gahasa sa 9 anyos nang ito’y dakmain noong Biyernes ng mga operatiba ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) na nakabase sa lungsod ng Malolos..

    Sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng Regional Trial Court Branch 18, ay inaresto ng operatiba ang suspek na si Ricardo Balagtas, 18, at residente ng Barangay Lalangan, Plaridel, Bulacan dahil sa umano’y tangkang pag-gahasa nito sa 9 anyos na itinago sa pangalang "Angel".

    Batay sa reklamo ng pamilya Marcelo, kaanak ng biktima, noong ika- 5 ng Enero 2008 bandang alas-7 ng gabi ay hinablot ng grupo ni Balagtas si Angel patungo sa isang kubo at doon umano ay pinagtulung-tulungan ng mga ito na halayin ang batang paslit.

    Ayon kay Lourdes Marcelo, lola ng biktima, hinawakan sa dalawang kamay ang bata at tinakpan ang bibig nito habang kinubabawan naman ng isa pang nakakawala pang suspek na si Christian Angeles.

    Mabuti na lamang aniya at nakita ito ng iba pang kalaro ng kanyang apo at pinagkakalmot ang mga suspek kayat hindi natuloy ang panghahalay.

    "Inabutan ko pa na naka-hubot hubad ang aking apo sa kubo at umiiyak!"

    Reklamo pa ng pamilya Marcelo na matapos ang insidenteng iyon ay agad silang dumulog sa pamahalaang baranggay ng Lalangan para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. Subalit hindi umano sila tinulungan ng mga opisyal doon at sinabing hindi naman "naipasok" ang ari ng suspek sa biktima kayat walang dapat ireklamo.

    Itinanggi naman ni Balagtas ang akusasyon laban sa kanya at sinabing naglalaro lamang sila ng "taguan" nila Angel ng gabing iyon.

    Ngunit aniya, nagmistula lamang siyang look-out sa tangkang panghahalay ng iba pa niyang kasama kayat humihingi siya ng tawad sa pamilya ng biktima.

    galit na pahayag ng lola ng biktima.

    SHARE
    Previous articlePig lovers
    Next articleHamon sa Kapampangan

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here