Home Headlines Suspek sa pagpatay sa 2 pulis patay sa encounter

Suspek sa pagpatay sa 2 pulis patay sa encounter

508
0
SHARE
Nanlaban sa mga operatiba ng Mabalacat Police Station ang isa sa mga suspek sa dalawang anti-illegal drugs operatives nang silbihan ng Warrant of Arrest kanina.

LUNGSOD NG MABALACAT — Patay ang isa pa sa mga suspek sa pagpatay sa dalawang drug operatives ng pulisya dito nang manlaban matapos silbihan ng warrant of arrest sa Sitio Dungan, Barangay Tabun madaling araw ng Enero 25.

Ang napatay ay kinilala ng pulisya ma si Kenneth Flores, ang isa sa suspek na nasa likod ng pagpatay sa dalawang drug operative sa Mabalacat noong Disyembre 3 ng nakaraang taon.

Ayon kay Sgt. Regie Lace, investigator, isinilbi sa bahay ng suspek ang warrant of arrest ngunit imbes na magbukas ng pintuan ay agad na pinaputukan ang mga operatiba. Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan si Flores na dineklara ding dead on arrival nang isugod sa Mabalacat District Hospital.

Nakuha mula sa crime scene ang isang .45 na pistola at isang granada.

Matatandaan na bukod kay Flores ay nauna nang naaresto noon ang kasamahan nitong mga suspek din na kinilalang sina Jun Jun Espiritu Baluyut, Aries Espiritu Bagsic, at Leslie Placiente. 

Ang tatlo ay naaresto sa Barangay Dau at nakuha mula kay Baluyut ang isang motorsiklo na may mga mantsa ng dugo na pinaniniwalaang isa sa mga ginamit ng mga salarin.

Napatay din noon ang isa pang suspect na si Kiel Patrick Chua alias “Kelkel” na lulan ng itim na motorsiklo na hindi huminto sa isinasagawang checkpoint at nakipagpalitan pa ng putok sa mga otoridad.

Bukod sa kanila ay isang nagngangalang alias “Pusa” ang tinutugis pa rin ngayon ng kapulisan.

Matatandaan na napatay ang dalawang pulis na sina SMS Sofronio Capitle Jr. at SSgt. Dominador Gacusan Jr., kapwa operatiba ng drug enforcement unit ng Mabalacat Police Station nang tambangan sa Barangay Dau noong madaling araw ng Dec. 3, 2022.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here