Suspek sa massacre timbog sa Gapo

    613
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY—Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Olongapo City PNP ang suspek sa Navotas City massacre na naganap noong December 13, 2013.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jay Amar, alyas Jiji, 27, mangingisda at residente ng Navotas City.

    Ang suspek ay huli sa isang bahay ng nagngangalang Lorna Valespin, 23, na kaibigan umano ng suspek, sa No. 203 Barangay Lower Kalaklan.

    Batay sa salaysay ng suspek sa pulisya, nagsimula itong magtago nang mapatay nito ang magulang ng kanyang dating live-in partner na si Jocel Tinulang.

    Ang suspek ay No. 1 sa talaan ng Most Wanted Persons sa Navotas City.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here