Suspek na gumilit sa 3-anyos na bata, kalaboso na

    53
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Naghihimas na ng malamig na rehas ang suspek sa paggilit sa leeg ng tatlong taong gulang na batang babae sa lungsod na ito matapos itong i-confine sa pagamutan dahil sa bugbog na tinamo nito sa taumbayan nong Biyernes.

    Kasalukuyan ngayong nakakulong sa Malolos City Jail si Rolando Ambrocio, Jr., 29, na gumilit sa leeg ng si Hanna Lope y Messayah, tatlong taong gulang na anak ng kanyang live-in partner na si Ramona, residente ng Barangay Sumapang Bata, Malolos City.

    Panay ang hingi ng patawad ng suspek sa kanyang asawang si Ramona habang ito ay nasa kulungan.

    Ngunit matigas naman ang loob ng ina ng biktima sapagkat buhay ng kanyang walang kamuwang-muwang na anak ang nawala.

    Sigaw pa rin ng suspek habang nasa kulungan na mahal niya ang ina ng bata at nabigla lamang siya sa nagawang krimen.

    Si Ambrocio ay nanatili ng dalawang araw sa Bulacan Medical Center bago idinitene sa Malolos City Jail matapos nitong magtamo ng mga sugat at bugbog sa katawan matapos umanong kuyugin ng taumbaryo dahil sa ginawang pagpatay sa bata.

    Sinampahan na ng kasong murder si Ambrocio samantalang inilibing na ang bangkay ng biktimang si Hannah.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here