Suporta sa Citizens’ Press Council

    325
    0
    SHARE
    Isang pinto ang nabuksan para sa itinatayong Citizes’ Press Council of Bulacan (CPCB) matapos ang isinagawang pulong ng panguluhan ng mga media organization sa Bulacan nong Huwebes, Enero 15.

    Dahil dito, isa pang pulong ang ikinakasa na dadaluhan ng ibat-ibang media organization kung saan ay ipakikilala sa kanila ang konsepto ng isang Citizens’ Press Council (CPC).



    Isang magandang pagkakataon ito para sa CPCB upang higit na makakuha ng suporta mula sa hanay ng mga mamamahayag, at ibang sector kabilang ang mga negosyante, akademya, simbahan at maging mga NGOs.

    Isa kasi sa dahilan kung bakit nahihirapan sa pagtatayo ng CPC ay ang kakulangan sa pagkakaunawa o awareness hinggil ditto.



    Ang  konsepto ng CPC ay unang pormal ipinakilala sa mga mamamahayag sa Gitnang Luzon noong Setyembre 1 matapos ang tatlong araw na seminar na pinangunhan ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa Holiday Inn Hotel sa Clark Freeport.

    Batay sa binuong manifesto ng mga mamamahayag na nagsidalo, ang CPC ay “mechanism that aims to provide the reading public an “avenue for redress” by giving them a fair chance and opportunity to raise any complaints and grievances against the press whether perceived or otherwise, and in the pursuit of assuring professional and ethical practices among journalists in the Central Luzon region…”



    Bago matapos ang nasabing tatlong araw na seminar sa Holiday Inn, nagkasundo rin ang mga mamamayahag na dumalo na magtakda ng ‘deadline’ kung kailan dapat maitayo ang CPC.  Ang napakasunduang deadline ay Oktubre 2008.

    Sa bandang huli lamang natuklasan ng mga dumalong mamamahayag na para silang nagpapatiwakal sa pagtatakda ng ‘deadline.”



    Ito ay dahil sa ang proseso sa pagbuo ng CPC ay hindi kasing dali katulad ng naisip ng mga nagkasundong mamamahayag.

    Isang halimbawa ay ang Cebu Citizen’s Press Council (CCPC), ang pinaka-aktibo at matibay na CPC sa bansa.  Inabot ng tatlong taon ang CCPC upang tuluyang maitindig at mabuo.



    Gayunpaman, hindi tumitigil ang mga CPC sa Gitnang Luzon partikular na sa Bulacan at Pampanga; Zambales at Tarlac.

    Mabagal, ngunit sigurado ang nabuong istratehiya.  Unti-unti lamang at hindi apurahan.  Parang bunga, hahayaan mahinog sa puno bago pitasin.



    Bahagi ng mabagal na istratehiyang ito ang information-education campaign upang maipakilala sa bawat sektor ang konsepto ng CPC ng sa gayon ay kanilang maunawaan ang layunin ng CPC na ipaglaban ang malayang pamamahayag sa pamamagitan ng ethical and responsible practice of journalism.

    Bilang bahagi ng CPCB, kami ay naniniwala na magkakaroon lamang ng kahulugan ang konsehong aming itinatayo kung nauunawaan ng mga tao ang konsepto nito at layunin.



    Sa katatapos na pulong ng panguluhan ng mga media organization sa Bulacan, lumutang ang isyu hinggil sa mga ‘hao-shiao’ o ‘media scalawags’ katulad ng paglalarawan ni Bong Lacson sa kaniyang inakdang libro na “Of the Press.”

    Karamihan sa mga dumalong mamamahayag ay tutol sa gawain ng mga hao-shiao sa Bulacan, dahil nakakasira daw sa kanilang imahen, pero ang totoo, ang ilan ay kabarkada nila.



    Maraming suhestiyon kung paano susupilin ang mga hao-shiao sa kanilang pananalanta sa propesyong naging tuntungan ni Gat Marcelo “Plaridel” H. De Pilar sa pagpukaw sa isipan ng mga Pilipino mahigit 100 taon na ang nakakaraan.

    Dalawang suhestiyon ang malinaw.  Suportahan ang pagbuo ng CPCB, at itigil ng kapitolyo ang pagbibigay ng mga ‘dole out’ sa mga mamamahhayag lalo na sa mga tinaguriang how shiao.



    Ang problema daw ayon sa Provincial Public Affairs Office (PPAO) ay dumidiretso sa gobernador ang mga ito para manghingi, at hindi naman makatanggi ang gobernador.

    Malaking problema ito pero may malinaw na solusyon.  Dapat lamang panindigan ng Gobernador ang simulain ng kanyang ipinagmamalaking “Bagong Bulakenyo.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here