Home Headlines Subic LGU tutulong sa pamilya ng mga nasawing mangingisda

Subic LGU tutulong sa pamilya ng mga nasawing mangingisda

581
0
SHARE
Kausap ni Mayor Jon Khonghun ang 11 tripulante na nakaligtas sa aksidente sa dagat. Kuha ng Subic LGU

SUBIC, Zambales  —Tutulong ang lokal na pamahalaan dito sa mga  pamilya ng tatlong nasawing mangingisda sa karagatan ng Infanta, Pangasinan matapos banggain ng commercial vessel ang kanilang fishing boat madaling araw ng Oktubre 2.

Ayon kay Mayor Jonathan “Jon” Khonghun, sasagutin nila ang funeral services at iba pang kinakailangan ng tatlong pamilya.
Idinagdag pa ng alkalde na kakausapin din niya ang 11 pang mga tripulante na nakaligtas para sa tulong na maaring ibigay ng LGU para maibsan ang trauma na dinanas ng mga biktima nnag banggain ng barko ang kanilang FB Dearyn.

Nangako din ang alkalde na marekober ang banka na tumaob sa laot.

Dugtong pa ni Khonghun, tama man o mali ang lugar na pinapangisdaan ng mga mangingisda, may aksidente na naganap at dapat panagutin ang may kagagawan nito. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here