Starlet manufacturing company ang TV5

    536
    0
    SHARE

    Sa rami ng mga starlets na naglipana sa bakuran ng Tv5, puwedeng sabihing manufacturer ng starlet ang naturang Tv network.

    Yung mga natira sa dati nilang pakontes na hindi na namin matandaan ang titulo, andyan pa rin hanggang ngayon, pero talagang starlet basis pa rin status.

    O hindi ba parehong wala pang name sina Eula Cabaleero at yung Ritz something na supposedly ay isang Kapampangan. Ano na nga bang last name niya?

    Lumipat sa kanila si Arci Muñoz na may dalang konting pangalan, pero hanggang ngayon starlet of the first degree pa rin ang babaing rocker.

    Sino pa ba ang mga starlet sa TV5 kahit na ilang taon nang nakabalandra roon?

    Alez  Gonzaga, di ba.  Wala parin siyang arrive kahit kung saan-saan show na siya nailagay ng network. Alin, kung nasa GMA 7 o sa ABS- CBN si Alex, baka isa na siyang  malaking bituin ngayon.

    Si Nadine Samonte, super starlet na gayung nung nasa GMA 7 ito, dami ng mga magaganda niyang projects na may rating naman. Sa TV5, nawalan lang siya ng kinang kahit na isinali pa siya sa maraming proyekto.

    Something is wrong somewhere sa pag-handle ng mga talent ng TV5 kaya starlet lang talaga ang category ng mga artista nila.

    Kahit yung mga lalaking artsita nila ay naging starlet din, hindi ba?

    Pinag-uusapan pa ba ang career nina Jay Manalo, Wendell Ramos at Edgar Allan Guzman. Zero as in wala na sila, hindi po ba?

    And their senior stars. Dahil nainip at walang nangyari sa kanilang career, they all choose to bolt out of the network.

    Ay naku, tapos, ang susuplada pa ng PR nila, kaya paano aarangkada ang career ng mga artista nila.

    Dapat silang palitan agad-agad.

    Now na!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here